January 23, 2010

Ang aking Akala

I thought the pain is over....hmmm hindi pa pala. Pero hindi naman ganun kadali yun eh. Akala ko kapag lumipat ng bahay mas makakagaan pero ganun din, ganun parin. Minsan pa may mga taong kang gustong makita pero mahirap at hindi pwede kasi may mga bagay na dapat itago, ilihim at di pwedeng sabihin. Bakit kaya ganun. Napakahirap...! Sobra....!

Weekends nanaman. Makatulog kaya ako sa bahay? Sana naman kasi 1 week na kong di makatulog ng maayos, minsan pati pagkain balewala na rin pero kailangan mo kumain kasi kapag nagkasakit ka hindi lang ikaw ang apektado.

Iniisip ko na lang hindi lang naman ako ang may problema sa mundo. Marami pang iba at dadaanin na lang sa tawa, pero hindi yun pwedeng gawin sa lahat ng oras...duamrating talaga ang lonely mode...parang emo mode...hahahahaha!

Naalala ko tuloy yung isang friend ko. Nung nabuntis siya ng BF niya, litong lito siya, hindi alam ang gagawin. Mahirap pa dun ayaw panagutan ng BF niya ang bata....iniisip ko pano niya nakaya yun? Ang galing niya....sana natuto na siya ngayon sa kanyang mga pagkakamali.

Loaded na ang utak ko. Ang daming laman. Iba-ibang topic na ang pumapasok sa utak ko or rahter iniisip ko para malibang lang. Mamaya pag-uwi titignan ko nanaman si Marianne. May bago siyang damit ngayon eh. Dress na black. Buti na lang bumalik siya. Kahit papano may natatanaw ako. Buti pa nga siya parang payapa ang utak, palaging nakangiti.

Napakahirap, basta mahirap, sobrang hirap.....!

0 comments:

Post a Comment

Thanks for taking the time to read my blog and for leaving your comments. I really appreciate it. Feel free to visit again when you have the time.